Monday, February 22, 2010

How long should you hold on...


Meron ako naaalala sa movie na to. And everytime na paulit ulit ko to pinapanuod naiiyak lang ako. Huhu tinamaan ata ako. Parang ginawa talaga to para sakin. Feeling ko ako na si Bea, and si John Lloyd ay si...wag na banggitin.
Hindi ko rin naman alam kung hanggang kelan dapat maghintay or mag move on. Tuwing lalayo naman ako parang kusang bumabalik pa rin ako sa nakaraan.
Baka nagpapakatanga na lang din ako…

Tuesday, February 16, 2010

Violent Reaction?

Bakit kaya siya nagrereact sa latest post ko eh hindi naman para sa kanya yun? Para sa akin yun. Akin. Gusto ko lang matanim sa kasuluk-sulukan ng kokote ko. Affected? Pero ayos lang. I know you still care!
***
And to react like that? That is sooooo gay! No offense but wow.

Monday, February 15, 2010

Awts.

PARA SA MGA KAKABREAK LANG.

1. pag break na, break na. wag nang umasa pa. ikaw ang kawawa. arruuuyyy!

2. pag napansin mong medyo close pa rin kayo, tandaang friends lang ang tingin nun sayo.

3. pag inaasar kayong ‘muling..ibalik..ang tamis..’ tuwing magkasama – wag kang matuwa.

4. wag mo siyang saktan – pisikal, salita. hindi mabuti yan. pwedeng gumanti pero sana fair ka lumaban.

PARA SA MGA UMAASA.

1. naman! tignan mo ung number 1 sa taas. un lang ang pwedeng gawin.

2. maghanap ng iba as soon as possible. hindi na uso ang three months pahinga.

3. pag may nangyaring sweetness between the two of you. wag kang matuwa. pampalubay loob ang tawag diyan at hindi senyales ng balikan.

PARA SA MGA MAY MAHAL PERO HINDI NAMAN MAHAL.

1. hindi ka niya mahal kaya tigilan mo. mabibwiset lang un.

2. wag na wag kang magagalit pag may kasama siyang iba. tandaan: hindi kayo at wala kang karapatan.

3. wag mang-away ng gf/bf niya. one more time: walang karapatan.

4. wag mangalandakan na kayo or m.u. kunware. kapal. haha.

5. there are many fish in the sea.

AYAN.

hindi masamang magshare, lalu na pag may dapat ishare. In english, just share.