Tuesday, November 30, 2010

Eh kung ako kaya ang nanalo sa LOTTO ng P741 million?

Bigla lang pumasok sa kokote ko habang patanga-tanga ako sa bahay, eh panu kung ako ang nanalo ng Php741,176,323.20 lotto prize, ano kaya ang gagawin ko? Masarap isipin kaso baka masiraan ako ng ulo kung panu ko icclaim yung prize. Mapapraning siguro ako kung panu ko ilalagay sa banko yung pera.

Parang instant noodle lang. Instant millionaire. Panu ko uubusin yun? San ko ilalagay? Anu una kong bibilin? Sino bibigyan ko? Magreresign ba ko agad sa trabaho o part-time na lang? Weh, panu ko kaya isisikreto yun? San ako magtatago? Baka buong araw ako nangangatog na feeling ko anytime pwede ako holdapin o kidnapin.

Pero eto mga naisip ko gawin sa pera:
1. Pasalamat kay Lord. Ibibigay ko 20% sa chosen charity ko. Cguro donate dun sa church ng ermats ko tsaka sa mga cancer patients, tapos sa PAWS.
2. Bibili ako ng bahay at lupa, fully furnished. Tatlong bahay sa Ayala Southvale para sa magulang ko, ate ko at sakin. Dream house ko. Sama-sama kami sa isang village. Bibili rin ako ng isang unit sa Serendra. Magpapatayo ako ng resthouse sa Boracay at sa Tagaytay. Bibigyan ko ng tig-iisang bahay yung siyam na kapatid ng ermats ko at yung dalawang kapatid ng erpats ko.
3. Bibili ako ng kotse. Isang Volvo (yun sa Twilight) para sa ate ko. Smart car and BMW para sa magulang ko. Yellow Mini Cooper at Hummer para sakin:)
4. Magfranchise ako ng 711, Starbucks at Petron. Di naman cguro kelangan ako pa mag manage. I'll hire my friends to manage those. Si Chat accountant ko. Di kasi malulusutan sa pera yun at mapagkakatiwalaan pa.
5. Bibili ako ng mga lote at papatayuan ko ng apartments para papa-rent ko. Magtatayo ako ng sampung apartments sa QC, sampu sa Makati, sampu sa Manila. Yung sa QC ibibigay ko sa kamag-anak para may business sila ng kanya-kanya.
6. Bibili pa ako ng isa pang malaking lote para matupad ng ermats ko yung pangarap nyang Farmville. Dun magtatrabaho yung mga alagain ng erpats ko. 
7. Bibili ako ng insurance. Kung anu man ang kelangan iinsure.
8. Magiinvest ako sa stocks.
9. Bibili ako ng latest electronic gadgets at magshoshopping ako to the max.
10. Magaaral ako. Gusto ko matuto ng ibang language. German and Chinese Mandarin. Tapos magaaral ako yung medyo related sa art. Magmamasteral din ako (advertising or business ad).
11. Magreregalo ako sa taong special sakin. Yung malupet na regalo. 
12. Magpapatayo ako ng animal care center. Yung pwede mag-ampon ng aso.
13. Travel. Gusto ko makapunta sa Germany, Japan, France, S. Korea, Greece.
14. Bibili ako ng pet. Yun pinangarap ko nun bata ako bukod sa aso - Tiger tsaka iguana/chameleon.
15. Magpapa-party ako!

Monday, November 22, 2010

Adieu

Hindi ako nakatulog kagabi.

Nangapitbahay ako kahapon sa tapat. Usapan kasi namin ni Alen, childhood friend ko, magkikita kami eh. Ayusin namin damit ko sa kasal nya. Unexpected yung pagiging abay ko sa kasal nya. Tagal na namin di nagkikita eh. Ayun, kwentuhan lang. 1month na siyang buntis pero parang 4months na yun tyan nya. Dami pwede pagkwentuhan ewan ko ba kung bat kelangan isingit sa kwento yun 1st bf ko. 

Tinanung nya kung ilang yrs daw naging kami. Almost 6yrs ata yun na hindi ko maiwan. Eh kasi naman suicidal. Kaya nagkaleche leche buhay ko eh. Lahat na ng klaseng panloloko ginawa ko na ata para lang layuan na nya ko pero tibay parin. 

Sabi ni Alen naalala nya na lagi sya sinusundo nun sa bahay para mapuntahan ako kasi lagi nakabantay erpat ko. Tapos nakatayo lang siya tapat ng bhay namin sa may halaman nila alen kasi madilim hindi sya makikita ng erpat ko. Minsan nagugulat na lang ako andun lang pala sya sa labas ng bhay namin inaabangan ako lumabas. 
Ilang beses ako nagtry makipagbreak pero parang walang pakiramdam. Sinapak ko na nga nguso nya sa harap ni Crystal n Ambray kasi inabangan nya ko sa kanto para lang sermunan kasi lasing ako. Dakdak ng dakdak sa kalsada. Pinadugo ko tuloy nguso nya. Inuntog ko na rin ulo nya sa salamin ng isang stall sa sm kasi kakaselos nya. Tinulak ko na rin sya sa kalsada para masagasaan pero ewan ko nakakailag pa rin.
Naalala ko tinago ko sya sa cabinet sa kusina namin ng limang oras kasi biglang dumating ate ko. Paglabas nya puro kagat sya ng ipis. 
Minsan nagugulat na lang ako kkwento sakin ni Ghia n Debz na nilapitan sila ng bf ko sa mall hinahanap ako. Eh hindi naman sila magkakilala. Minsan biglang susulpot sa labas ng school ko, Seton n Dasma, susunduin ako. Eh may bf na tlga akong iba sa dasma eh! Hanggang nun nagttrabaho ako sa Vocativ biglang inabangan ako sa overpass ng Makati nun pauwi ako. ewan ko kung panu nya nlaman na dun ako nagttrabaho. Hanggang sa natatakot na ko sa kanya...

Pag nakikipagbreak ako sasaktan nya sarili nya. Uuntog nya ulo nya sa pader. One time nagaway kami, kumuha sya ng kutsilyo magpapakamatay daw siya. Inagaw ko yung kutsilyo sa kanya kasi parang gusto ko ako na sumaksak sa kanya. Binato ko sakanya yung kutsilyo. Hinagisan ko pa sya ng bato. Naging brutal na ata ako pero feeling ko tama lang yung mga ginawa ko.

Lagi nya sinasabi na pag iniwan ko sya hindi na sya maghahanap ng iba. Lumipat na ng bahay yung family nya pero nagpaiwan pa rin siya. Nakitira siya sa barkada nya para lang malapit pa rin siya sakin.
Parang obsessed na ata ampucha. Naging stalker pa. 

One time, sinamahan ko mag groceries ermats ko sa sm molino. Nagikot ako magisa sa mall biglang may kumalabit sakin. Pag lingon ko siya! Amf! Hindi ko alam kung matatakot ako or what pero kinabahan ako. Tapos tinanung nya kung may bf nako. Sabi ko may asawa at tatlong anak na ko!
Yun na yung last time na nakita ko sya. 

Mabalik kay Alen. Tinawag nya lola nya. Sabi nya "La, diba wala na si Aj?" Sumagot lola nya ng oo patay na. Sagot ko "buti na yun, Aling Miring. Masaya na sya dun" Pero putangina!!!! Kinilabutan ako bigla! **Goosebumps** Bumalik lahat ng memories. Hindi ako nalungkot, hindi rin naman ako natuwa.  Wala na akong pakiramdam. Wala rin naman kasi akong masasabi sa kanya. Mabait naman siya ika nga ni Alen. Never naman nya ko sinaktan. Lagi nya sinusunod lahat ng gusto ko. Pero ibang level na. Pero kinilabutan talaga ko. Kala ko nagpakamatay na o nasagasaan pero sabi ng lola at stepmom ni Alen nagkasakit. Anung sakit kaya? Ayoko na alamin. Parang inadd pa nya ko sa fb several months ago eh pero walang pic. Tapos dedbol na pala sya. Pakkk.

Parang may konting guilt akong naramdaman. Feeling ko baka kasalanan ko at nagkaganun siya. Baka kasalanan ko nga huhu. Naku.

Tangina hindi talaga ko nakatulog kagabi at buong gabi bukas ilaw ko. Natatakot ako. Baka abangan pa ko sa labas ng bahay nun pucha wag naman please. Naiimagine ko parang horror movie na suspense yun tipong may hawak na chainsaw tapos i know what you did last summer.
Pero seryoso, sana matahimik na sya Lord.



Sunday, November 7, 2010

Babay ulit NU107 ='(



Aga aga ko naman naging emotional kanina. Gaganda kasi ng tugtog sa NU nun madaling araw parang pinatugtog talaga lahat para sakin.



*Goosebumps*


Makatindig balahibong kanta -- El Bimbo


Naiyak ako dito