"Show me that love is worth the wait"
Hindi na ko makapaghintay. Pabuntis na lang kaya ako? Sira.
Put the past away!
This feeling won't last that long...
Get outta my life... You're nothing but trouble.
Sunday, April 8, 2012
Saturday, April 7, 2012
Big Brother Knows Too Much I Might Kill Him
Sobra ka na bigbrother. Itutok mo naman sa iba ang cctv. Hindi lang naman isa ang kelangan tutukan dito. Marami pang iba na mas malupit rumampa. Kahit anung patago eh lantad pa rin dahil sayo. Igalaw-galaw mo naman ang camera.
Si gwapong guard, ayaw pigilan ang bunganga. Kelangan sabihan talaga na salawahan sa harap nila? Sa bawat taong nakadikit at nakasunod kelangan may abiso na salawahan ang binubuntutan nila? Kelangan tuwing nagkakasabay ang mga ibang karibal eh iaannounce pa ba dapat?
Sa bawat pagkakataon na may makasabay sa elevator na kami lang dalawa kung sino man sila, kelangan ba bigbrother niraradyo mo agad kay kuyang guard? Alam ko marami kang nakikitang pangyayari sa elevator na aliw na aliw ka rin naman pero sana tumahimik ka na lang.
Echuserang kuya wala akong pakialam kung maraming babaeng inggitera, selosa at mga dudera ang imbyerna. Palibhasa walang bumubuntot sa kanila.
Ibabalik ko na ang korona sa kanila. Korona talaga? Sabihan ba naman na mangaagaw ng korona?! Sa kanila na ang korona akin ang hari nila ;p
Bigbrother, saksi ka na hindi sa aking ang first move at wala akong ginagawang move. Pero shut up ka na lang din para malinis ang lahat. Marami masmalupit dyan na nag o-all the way at sumisira ng buhay. Loser pa ko at wala sa kalingkingan pag nakipagsabayan. Sabi nga nila aanhin pa ang maganda kung hindi naman malandi. Buti na lang maganda lang ako waaaah!
Kaya tumahimik ka na lang.
Friday, April 6, 2012
Thrilled
Biyernes santo. Hindi ko alam kung ano ang tumakbo sa kokote namin pero mukhang naghanap lang kami ng excitement. Takot. Atras kami pareho. Pero malakas pa rin loob kahit papano. May mga matang nagmamasid. Hindi makalabas ng sasakyan. Isang kurap, pasok agad ng patago sa loob. Wala, okay? Wala. Malinaw. Tamang trip lang. May respeto pa naman ako sa taong nakatira sa bahay... Bahay daw niya. Sabi ko conjugal, so bahay nilang dalawa.
Mainit. Pero kahit malamig malamang pagpawisan pa rin. Naka ngising kabado. Sabik sa adventure. Tipong isang pagkakamali, bitay.
Sagarin na lahat. April tatapusin ko na to. Ayoko pero kailangan.
Subscribe to:
Posts (Atom)