Tuesday, December 21, 2010
Sunday, December 12, 2010
emolonelyme
Im drunk again for the nth time. I have to. Ok naman ako nun isang araw, ewan ko ba at eto na naman ako. Mukhang masaya naman siya... anu pa kaya silbi ko?
******
Puro naman relasyon usapan sa inuman. Usapang break ups at annulment ng kasal. Wala naman ako ma-share kasi wala naman ako maadvice. Sarili ko nga di ko matulungan eh. Naisip ko, dapat ang marriage contract may expiration date, yung parang passport lang. Pag expired na, let's say after 5-10 years, renew mo na lang kung ok pa. Pero kung tipong nagbubugbugan na kayo o burat na burat ka na sa mukha ng partner mo, eh di hayaan mo na maexpire. Renewal of vows kung baga. Agree naman silang lahat.
******
Hmmm... hindi sila natulog/nakatulog. Malamang busy...
******
Di rin ako makatulog, gutom ako. Ayoko kumain.
Sunday, December 5, 2010
I lurrrrrvvvv Charice:)
Hindi ko talaga type mga christmas songs, pero dahil kay Charice, nagustuhan ko na (yun kanta lang nya). Jingle Bell Rock lang kinanta sus paulit-ulit ko pa pinakinggan. Tapos nakakaiyak yun Grown-up Christmas List huhu kaya ayoko ng pasko eh.
Tuesday, November 30, 2010
Eh kung ako kaya ang nanalo sa LOTTO ng P741 million?
Bigla lang pumasok sa kokote ko habang patanga-tanga ako sa bahay, eh panu kung ako ang nanalo ng Php741,176,323.20 lotto prize, ano kaya ang gagawin ko? Masarap isipin kaso baka masiraan ako ng ulo kung panu ko icclaim yung prize. Mapapraning siguro ako kung panu ko ilalagay sa banko yung pera.
Parang instant noodle lang. Instant millionaire. Panu ko uubusin yun? San ko ilalagay? Anu una kong bibilin? Sino bibigyan ko? Magreresign ba ko agad sa trabaho o part-time na lang? Weh, panu ko kaya isisikreto yun? San ako magtatago? Baka buong araw ako nangangatog na feeling ko anytime pwede ako holdapin o kidnapin.
Pero eto mga naisip ko gawin sa pera:
1. Pasalamat kay Lord. Ibibigay ko 20% sa chosen charity ko. Cguro donate dun sa church ng ermats ko tsaka sa mga cancer patients, tapos sa PAWS.
2. Bibili ako ng bahay at lupa, fully furnished. Tatlong bahay sa Ayala Southvale para sa magulang ko, ate ko at sakin. Dream house ko. Sama-sama kami sa isang village. Bibili rin ako ng isang unit sa Serendra. Magpapatayo ako ng resthouse sa Boracay at sa Tagaytay. Bibigyan ko ng tig-iisang bahay yung siyam na kapatid ng ermats ko at yung dalawang kapatid ng erpats ko.
3. Bibili ako ng kotse. Isang Volvo (yun sa Twilight) para sa ate ko. Smart car and BMW para sa magulang ko. Yellow Mini Cooper at Hummer para sakin:)
4. Magfranchise ako ng 711, Starbucks at Petron. Di naman cguro kelangan ako pa mag manage. I'll hire my friends to manage those. Si Chat accountant ko. Di kasi malulusutan sa pera yun at mapagkakatiwalaan pa.
5. Bibili ako ng mga lote at papatayuan ko ng apartments para papa-rent ko. Magtatayo ako ng sampung apartments sa QC, sampu sa Makati, sampu sa Manila. Yung sa QC ibibigay ko sa kamag-anak para may business sila ng kanya-kanya.
6. Bibili pa ako ng isa pang malaking lote para matupad ng ermats ko yung pangarap nyang Farmville. Dun magtatrabaho yung mga alagain ng erpats ko.
7. Bibili ako ng insurance. Kung anu man ang kelangan iinsure.
8. Magiinvest ako sa stocks.
9. Bibili ako ng latest electronic gadgets at magshoshopping ako to the max.
10. Magaaral ako. Gusto ko matuto ng ibang language. German and Chinese Mandarin. Tapos magaaral ako yung medyo related sa art. Magmamasteral din ako (advertising or business ad).
11. Magreregalo ako sa taong special sakin. Yung malupet na regalo.
12. Magpapatayo ako ng animal care center. Yung pwede mag-ampon ng aso.
13. Travel. Gusto ko makapunta sa Germany, Japan, France, S. Korea, Greece.
14. Bibili ako ng pet. Yun pinangarap ko nun bata ako bukod sa aso - Tiger tsaka iguana/chameleon.
15. Magpapa-party ako!
Subscribe to:
Comments (Atom)

