Magsisimula na yung concert wala pa rin akong ticket. Nakapasok na sa vip yung mga friends ko. Di na ako nageexpect na may makukuha ulit akong murang vip pero buti na lang nacontact ko ulit yung binibilhan ko ng ticket. Nag-meet kami ni manong buboy sa harap ng ambulance sa vip. As usual, patago niya binigay.
Palaging bongga na ticket ang binibigay nya sa akin. Sobrang mura, mas mura pa sa nakuha ng mga nambabarat kong kaibigan. So mas barat pala talaga ako. Sa unang Eheads the reunion concert, binigay nya sa akin yung pinakaharap, s-vip (ahhh super very important person?), ngayon naman binigay niya vip all access at may access pa ako sa backstage. Yung 5k na ticket binenta lang nya sakin sa halagang 2k. Mas mura yun presyo nya dati 1.3k lang dati svip. Sobrang traffic sa Moa, muntik ko na hindi masimulan yung concert. Ganda ng pwesto ko, maluwag at mahangin. Katabi ko nanaman si Marc Abaya. Mukang pinagtatagpo yata talaga kami ng tadhana. Kaso kasama niya gf nya ngayon. Naghahalikan pa sila sa harap, tabi, at likod ko. Sa harap ko si Yasmien Kurdy, sa gilid ko si Aia ng Imago, sa likod ko magkasama si Kean ng Calalilly, ney of 6cyclemind at yung vj ng MYX. Sa pagkakaalam ko nasa paligid ko lang si anne curtis, jericho rosales, chito miranda, at si teddy (ko) ng rocksteddy.
Astig yung concert ever. Nakanta nila halos lahat ng mga kanta na gusto ko marinig compared sa unang concert nila na medyo bitin pero sulit na rin. May solo part si raymund marasigan at marcus. Si buddy parang wala akong matandaan. Naging acoustic yung bandang gitna ng concert. Siguro dahil bawal mapagod si ely. Sa the reunion concert medyo heavy music ginawa nila di katulad ngayon medyo steady lang. Marami din hinagis si ely sa audience like yung jacket, guitar picks, sapatos at medyas. Ayos sa trip.
Kinanta nila superproxy at kaleidoscope ni francis m. to pay tribute. Nakakakilabot ang el bimbo lalo na nung sinunog ni ely yung piano at tapos tumugtog siya dun habang umaapoy, at maraming confetti na naglalaglagan with fireworks.
Tinatamad na ko magtype at magkwento. Pero basta sulit. At happy ako sa napanood ko.

No comments:
Post a Comment