Isang kabaliwan. Eto nanaman siyaaaa. Parating nanaman ang special date na toh. Well, sakin lang naman special to, sa iba wala parang ordinary days lang. Ayun.
I used to write all of his texts in a notebook. Naging addiction ata yun sakin. Ultimo simpleng quote or isang word lang yun text niya or a smiley face sinusulat ko pa rin including date and time. Pag magkagalit kami or gusto ko kiligin or emo ako binabasa ko lang siya paulit-ulit tapos ok na ulit ako. Siguro may dahilan yun. Memories. Unfortunately hanggang dun na lang. Sabi nga niya "good times never last".
Ang hirap pala mag move on. Akala ko dati naka move on na ko pero hindi pa pala. It's been five fuckin years pero nagseselos pa rin ako. Minsan naiisip ko siguro may nilagay siya na gayuma sa pinapadeliver namin na Jollibee, or sa yosi na hinihingi ko sa kanya dati or sa french fries na binili nya sa labas ng bahay nila. Baka meron nga. Laway.
Now, there's only one thing I can do--cherish those great memories. Memories sa Jollibee (palaboy night at di ako makauwi), Octoberfest sa SM (I realized na laging andyan si Jollibee tuwing kailangan), breakfast sa Mcdo, Starbucks (Shang Makati when I gave him wallet and we talked about his dad), Starbucks sa Glorietta, sa Town, Festi, dinner with Jovy sa Gerry's, TGIF, CPK, KFC, Kenny, Tokyo2, kainan sa Singgalong, magubos ng oras sa U with his Bosco friends, double date sa Baywalk, dinner sa Gilligans on the day na nagkaron ng ayala bus bombing on valentine's day.
I remember we even watched The Grudge and I thought he was sweet. We laughed when we found out na sinagot ni Bianx si Allen on Nov1. Kinilig ako when he gave me flowers nun nasa Canyonwoods. We enjoyed Fete de la Musique kahit magkagalit at nagpapakiramdaman kami. I watched his basketball game kahit puyat at walang tulog.
I miss walking with him sa Makati and wait for a taxi. I miss riding bus with him. Miss ko rin yung halos maubos oras namin kakaisip kung san kakain and who's gonna decide where.
We used to talk over the phone almost every minute. Nagrereview siya sa madaling araw at nagtatrabaho naman ako at the same time magkausap kami sa phone.. Magkausap kami hanggang makatulog na. Thanks to Sun at may unli calls kahit 15minutes na putol-putol.
I miss those times na nakahiga lang kami sa kama, madilim, and we talked about our dreams. Sabi niya mangangarap na lang din naman eh lubus-lubusin na.
Ayun, memories. Siyeeet. Minsan ok kami, madalas hindi. Basta alam ko masaya ako nun nakilala ko siya. Nakakasira ng ulo. Kelangan ko ata mauntog ng malupetttt para makalimot. He wants me out of his life eh. Kaya niya eh. Buti pa siya.
No comments:
Post a Comment