Wala naman ako talaga balak magbasa. All i wanted is to keep myself busy. I've tried to attend all inumans as much as possible. Kahit hindi ko kaclose, join pa rin. That's it.
Then last week nafeel ko lang makialam ng libro. Petiks kasi sa office nun. So ayun, tnry ko lang basahin yun first 3 pages ng Newmoon. Mukhang ok naman. Sabi ko kay Rhai pahiram muna kaso malamang sa sobrang tamad ko magbasa eh baka mga after 2years ko pa masoli yun. Ok lang naman sa kanya kaso may nakapila sakin na gusto rin magbasa. Well at least i warned them.
Literal naman talaga matagal ako magbasa. Hindi ko hilig. Tamad. Inaantok. Nakakatulog ako. Isa o dalawang pages pa lang pikit na mata ko lalo na kung nakahiga. Swerte na kung makatapos ako ng isang chapter sa isang araw.
Sylvia knows this. Last last last xmas, siguro mga 2 or 3 years ago, basta night shift pa ko nun meron kaming exchange gift. Nasa wishlist ko yun book na The Alchemist. Ewan ko ba kung bakit libro naisip ko. Baka may sayad ako nun. So ayun, tinupad naman ni Nico. Well, hindi ko sya nabasa. I mean nabasa ko. Binabasa ko pa rin hanggang ngayon. Mga 2years ko na ata sya binabasa. Nasa kalahati na ko. I placed it on top of my TV para maalala ko lagi na kelangan ko siya basahin at tapusin. Naaalala ko naman kaso laging may bad omen, dami kasi magandang palabas so mas pinipili ko manuod ng TV.
I even bought Victoria Must Die 2yrs ago na sa kasamaang palad nakabalot pa rin ng plastic. At mukhang forever na sya dun. In fairness, natapos ko naman yun Eleven Minutes...mga 6months siguro.
Well i made a big accomplishment naman. Natapos ko yun Newmoon after 2weeks ata or 3. Napressure ako eh. Minamadali kasi nila ko. Tsaka siguro gusto ko rin may magawa na iba kesa kung sinu2/anu2 pa naiisip ko.
Im currently reading Twilight. Paatras. Di ko naman kasi plano basahin un book 2 eh. Kelangan laging busy. O baka may sayad lang ako. Well, magandang sayad to:)
No comments:
Post a Comment