Its like another ordinary day during my bday. Walang bago. Hindi naman uso ang celebration sa bahay. Never naman ako nagkaparty sa bahay kahit simpleng balloon lang ala. Buti pa ang araw ng patay cncelebrate. Buti pa yung mga kapitbahay ko kahit walang pangbayad sa meralco nakakapagvideoke pa sa bday nila. I mean masaya sila.
Nakasanayan na namin siguro ang hindi magcelebrate. Hindi ko rin naman siguro gugustuhin ang eksena. Ok na rin ako siguro sa simpleng cake at konting kain lang. Ayoko ng attention pag bday ko. Hindi naman ako espesyal kaya hindi ko rin naman kailangan ng special treatment. Maalala lang siguro ng mga piling espesyal na tao na bday ko ok na un.
Emo lang talaga ako siguro tuwing bday ko kaya nga ayoko nagbbday eh. Takot ako tumanda. Greatest fear ko na ata yun. Ayoko tumanda. Eh may choice ba ko? Wala. Kaya ayoko naaalala na 1yr older na naman ako whaaa!
Ngayon may isa pang dahilan kung bat ako emo. Naalala ko bigla lolo ko. 1yr ago maga mata ko nun nagkita kami. Kung anu man yun last year pa yun. Wala, naalala ko lang sya ngayon. Isa sya sa mga taong hindi nakalimot sa bday ko. March pa lang nakaready na regalo nun sakin. Tapos january pa lang pinapaalala na nya na bday ko na. Every month tuwing pupunta ko sa kanya o bibisita magulang ko sa kanya pinapaalala nya na pumunta ko sa bahay nya para kunin regalo ko. Wala syang mintis. Kotse ko na yung last bday gift nya (well, tinulungan nya ko sa down). Namiss ko sya =( Maga na naman mata ko as usual. Baka maging tradisyon na ang puffy eyes ko.
Kanina i was expecting na walang pumansin sakin sa office. Halos magtago ako ng station kasi ayoko nga ng eksena. Tahimik lang ako. Kaso mukhang buong floor alam na bday ko. At kelangan ipagsigawan. Kelangan talaga tuwing makakasalubong nila ko babatiin nila ko kahit nabati na nila ko kahit paulit ulit. Kelangan pasigaw. Kelangan may makarinig na iba. Ayoko ng eksena. Hindi ko alam kung nangaasar ba silang lahat. Pero kelangan paulit ulit. Kelangan pati tindera, guard at jamas alam na bday ko. Nagpantig tenga ko. Parang tumanda ako ng malupet. Naappreciate ko naman yun. Ok na siguro yun kesa walang bati. Gaganti na lang siguro ako pag bday nila.
One wish: good health for my mom n dad.
Ayun lang.
No comments:
Post a Comment