Wednesday, June 29, 2011

Kaweirduhan ko

Wala akong magawa. Ilang araw na ko nagvview ng mga videos sa youtube sa phone ko. Trip ko ufo. Well, lagi naman ako interesado sa topic na to. Kesa naman kung anu anung masasamang lamang lupa naiisip ko mas gugustuhin ko pa ufo. Weird. Weird ako. Eh sa nakakita na kasi ako.

I was in gradeschool. Grade 3 or 4 ata. Nasa service kami pauwi na. Kaschoolbus ko sina picci, gia, francis, kevin. Nasa bandang Soldiers2 kami around 6pm. We were having a lot of commotions and arguments. Napakaingay namin. Tapos biglang napatingin kami sa bintana.

We saw a diamond shaped something in the sky. Steady lang sya, red, bright red and not moving. I cant explain what I saw and I cant determine if its a solid object or ilaw lang siya or parang bwan na korteng diamond at solid red. Ayun. We were all amazed. It only happened for a few sec. Parang 30secs. Then
the object suddenly accelerated na pacurve parang korteng rainbow tapos paliit ng paliit siya tapos boom! Disappeared like it never existed. Kaya simula nun lagi na ko natutulala sa langit lalo na pag may moon. Baka makakita nanaman ako.

I find this video sooo interesting. Documentary siya from the government, pilots, military and other eyewitnesses. The govt wanted to keep it secret.  Medyo mahaba siya pero wow lalo ako naniwala.


Nagtry ako maghanap ng diamond shaped ufo pero eto lang yung medyo close sa nakita ko. Kaibahan lang, yung nakita ko gumalaw after a few sec tapos nawala (diamond ufo)

Ngayon marami na nagkalat na ufo at mukhang ufo. Sa Facebook lang nagkalat na sila. Meron pa nga disaster ang itsura eh. Alien invasion naku!

Friday, June 17, 2011

Oyo and Tin

Repost ko lang. Nice wedding idea para sa ate ko na wish magkabonggalore wedding. Alam ko hindi to para sakin waaah!




Oyo and Tin - OBB from Bong Sare on Vimeo.

Thursday, June 16, 2011

*shivers*



Oooh i love this song. Unang dinig ko pa lang parang hinugot na ko sa kailaliman. Sounds like a fallen angel to me. Its an old song pero dami versions. Freaky video i dont wanna look at it again. Creepy...parang nagsasalitang tyanak baka mapanaginipan ko pa.

Saturday, June 4, 2011

Hacked!

Nakakaasarrrrrrrrrrrrr! Pati ba naman email ko napagdiskitahan grrrrr! Imposible naman kasi na makalimutan ko password ko eh. I can find any reason kung bat di ako maka login sa email. So ayun i have to report it as compromised. Ang galing. May mga sent items ako na links na hindi ko naman sinend. Yung parang mga spam na narereceive ko rin from my friends ganun din yung nasend ko. Tapos nagtaka ko may draft message pa. Apir! May nagaaccess na taga Romania, Poland at Indonesia. Pwede ba yun? Pero eto yung report na nakuha ko eh:


Friday, June 3, 2011

Play it safe or take a risk?

Hala eh parang mauubos yata mga ka-officemates ko. Parang lahat naiintriga sa BOA. Hmmm...Malaki daw sweldo. Kaya nila tapatan? As in? Weh? We'll see. Magoopen na ata yung company sa Fort this August. Sarap siguro maging pioneer.
Few of my friends told me na nainterview na daw sila. Mahirap daw. Meron test exam about finance/mortgages, four series of interviews na panel and video conference with mga jaihos and onaks. Ngak! Ang hirap pa naman intindihin ang mga jaihos tapos sasabihin pa nila ikaw ang hindi nila maintindihan mag english. Nakakaaliw lang kasi after ng konting interview they'll mention na "please refer more people from ge." Yun isa ko pang friend tinawagan sya for interview tapos ganun din "please tell your friends specially those from ge or give us their number and we'll call them." Namimirata?
Sabi nila kaya daw nila tapatan yung sweldo or higher. They can pay you 30k to 40k. Eh pano naman ako 40k to 50k? Intruiging. For sure may catch. Parang JPMorganchaselang na tinapatan sweldo namin kaso uuwi ka namang lugo-lugo.
Kaya ba nila tapatan yung benefits namin? We have monthly incentives depende sa performance, may team bldg budget, SL and VL na bayad pag di ginamit, food and transpo allowance, libreng food tuwing may occasion, attendance incentive, pag may bagyo libreng stay sa vivere at bellevue, free shuttle service.
May shower room kaya sa magiging bldg ng boa? May ge hotel ba sila? May tv kaya sa office nila? May fun@work kaya sila everyday? Dressdown ba attire nila lagi? Tsinelas kahit araw-araw? May mga clubs kaya sila? Pwede ba makipag-swap ng off? Eh slide kung late?
Meron kayang malupet na bonus na parang 14th at 15th month pay dun???
Kamusta naman kaya ang gastos tuwing papasok ka sa boa? Toll pa lang P107 na papunta pa lang. Tapos gas, parking, pagkain, pang yosi. Kung magcocommute naman, sayang naman yung kotse...tambay na lang sa bahay. Layu-layo pa. papunta pa nga lang ng ge na 15-20mins eh gumagapang na ko. What more yung papunta ng Fort with matching traffic pa eh baka tumanda itsura ko nyan!
Risky ata masyado.
All jobs suck. Sino ba naman gusto tumanda ng puro trabaho? Pero my job pays me pretty well. Hindi naman ako masyado stressed. I dont bring my work at home. Sabi ko nga last call center ko na to. Gustuhin ko man ng normal work yung tipong hindi related sa bpo eh parang wala pa akong choice. Im too scared to risk waaah!

Hindi ko na alam kung pano ko tatapusin ko. Walang sagot.

Thursday, June 2, 2011

:I


sana mapanuod ko sila... kaso walang pera nyahaha.


classic. sana happy lagi. sana.


nice song. yun lang. nice lang.