Hala eh parang mauubos yata mga ka-officemates ko. Parang lahat naiintriga sa BOA. Hmmm...Malaki daw sweldo. Kaya nila tapatan? As in? Weh? We'll see. Magoopen na ata yung company sa Fort this August. Sarap siguro maging pioneer.
Few of my friends told me na nainterview na daw sila. Mahirap daw. Meron test exam about finance/mortgages, four series of interviews na panel and video conference with mga jaihos and onaks. Ngak! Ang hirap pa naman intindihin ang mga jaihos tapos sasabihin pa nila ikaw ang hindi nila maintindihan mag english. Nakakaaliw lang kasi after ng konting interview they'll mention na "please refer more people from ge." Yun isa ko pang friend tinawagan sya for interview tapos ganun din "please tell your friends specially those from ge or give us their number and we'll call them." Namimirata?
Sabi nila kaya daw nila tapatan yung sweldo or higher. They can pay you 30k to 40k. Eh pano naman ako 40k to 50k? Intruiging. For sure may catch. Parang JPMorganchaselang na tinapatan sweldo namin kaso uuwi ka namang lugo-lugo.
Kaya ba nila tapatan yung benefits namin? We have monthly incentives depende sa performance, may team bldg budget, SL and VL na bayad pag di ginamit, food and transpo allowance, libreng food tuwing may occasion, attendance incentive, pag may bagyo libreng stay sa vivere at bellevue, free shuttle service.
May shower room kaya sa magiging bldg ng boa? May ge hotel ba sila? May tv kaya sa office nila? May fun@work kaya sila everyday? Dressdown ba attire nila lagi? Tsinelas kahit araw-araw? May mga clubs kaya sila? Pwede ba makipag-swap ng off? Eh slide kung late?
Meron kayang malupet na bonus na parang 14th at 15th month pay dun???
Kamusta naman kaya ang gastos tuwing papasok ka sa boa? Toll pa lang P107 na papunta pa lang. Tapos gas, parking, pagkain, pang yosi. Kung magcocommute naman, sayang naman yung kotse...tambay na lang sa bahay. Layu-layo pa. papunta pa nga lang ng ge na 15-20mins eh gumagapang na ko. What more yung papunta ng Fort with matching traffic pa eh baka tumanda itsura ko nyan!
Risky ata masyado.
All jobs suck. Sino ba naman gusto tumanda ng puro trabaho? Pero my job pays me pretty well. Hindi naman ako masyado stressed. I dont bring my work at home. Sabi ko nga last call center ko na to. Gustuhin ko man ng normal work yung tipong hindi related sa bpo eh parang wala pa akong choice. Im too scared to risk waaah!
Hindi ko na alam kung pano ko tatapusin ko. Walang sagot.
No comments:
Post a Comment