Kanina lang to.
Ok na sana e. I like the songs (hillsong). Solemn yun prayers, feel na feel ko. Tumatagos sakin. Ok din yun sermon ng pastor nakakarelate ako. Laging ganun ok na halos lahat except sa huli. Tuwing tapos na yun mass bago pa ko makalabas ng simbahan lagi na lang ako nakokorner ng mga fellas ng ermats ko. Sinasabi nila na natutuwa sila tuwing nakikita nila ko sa church at gustong gusto nila ko makausap (yan ang lagi nilang linya). Lagi na lang ako may one on one sa isa sa kanila. Lagi. Tapos tinatanong nila kung ok lang ba magstay ako sandali for 15mins for prayers or gusto lang nila magshare ng experience nila sakin. E syempre ok lang naman sakin yun. Ayun pinapabasa nila ako ng mga teachings/preachings of God which is fine for me. Kaso tuwing nangyayari yun iba naffeel ko. Para bang isa akong prodigal son na parang ako lang ang kakaiba sa church at kelangan nila ko pangaralan at ipagdasal. Sinasabi ko naman na makasalanan akong tao. Aminado naman ako dun. Tinatanung nila ko kung sigurado daw ba ako na mapupunta ako sa langit pag nadedo ako. Sabi ko aba hindi ko alam yan. Basta alam ko sa sarili ko tanggap ko siya at nagdadasal pa ko. Sabi nila they want to treat me like a baby. Born again. May baby steps. Ok lang sana kaso hindi ako sanay na hinihingi ang opinion/beliefs ko. I mean hindi ako sanay magshare ng experiences sa taong hindi ko kaclose. I would rather listen and act on it (kaya ko itry). Pero yung tipong question and answer and share portion hindi ako maaasahan dun. Hiningi pa yung schedule and number ko kasi tinatanung nila kung kelan ako pwede sa baby steps. Sabi ko magulo schedule ko baka hindi ako makapunta sa church. Sila daw ang pupunta sa bahay. 1 hour lang naman daw for 6weeks! Huh? Nagulat ako dun. Sabi nila wag ko daw isipin na conversion. Its accepting God. Wala naman ako sinabing hindi ko tinatanggap ah. Iba tuloy bigla pumasok sa creative and imaginative mind ko. Anu to rehab? Irerehab nila ko? Well, yung ang dating sakin.
No comments:
Post a Comment