Monday, February 9, 2009

Operation gotcha


Ayun. It’s avail. Konti lang calls. System issue pa. Nagtext ako ng isang beses. Nagbasa din ng message. Nakikipagdaldalan pa ako. Masaya na sana buhay ko haha. 8 minutes na lang logout na. Ang swerte ko naman. Bigla na lang lumapit si kuya sabi niya bawal daw cellphone sa loob. Pabasa na lang daw ng sent items ko. Lahat na lang pinagdududahan na magnanakaw ng credit card account number. Patago naman ako nagbasa ng text… yun ang akala ko. Hindi pala. Kita pala ako ni big brother. Oh my f-ing god. Huli ka balbon. Cap.

Tuesday, January 6, 2009

...and i have to let you go.

I don’t want to hurt you. I know you’ll be happy with someone else, so I'm letting you go. You’ll find someone who will love you more than I do. I'm not right for you. And I'm not sure if you are right for me. I don’t think you ever needed me. But the thought of letting you go breaks my heart because in my life, you play an important part. I have to face reality. Everything has changed. I’ve never thought the day would come that you’d grow tired of me. I even remember the day when you said goodbye but you’ll never know how much it hurts for me.
I’m sorry for all that has been said and done.
I’m sorry if I didn’t make everything right.
I was in a tight situation.
Sorry if I seemed like I didn’t care.
Sorry if I didn’t let you move on.
Sorry if I made things so hard for you.
But what is it that you want from me? You’re saying that you don’t want to hear anything from me or see me anymore. You even took me off your friendster. You said it yourself, you don’t want me.
Everybody knows how much I love you so why do you say that I was being fake?
Why else would I spend christmas with you if I don’t love you.
I’ve never wanted anyone as much as I’ve wanted you. But since you don’t want me, I have to let you go. I have to move on as well. What the fuck else am I supposed to do?
But if you need a friend, just remember that I’m always here.
You’re free.

Friday, January 2, 2009

hafi nyunyir!

Haaaayyyyyyy! Taon taon nalang tuwing xmas or new year palagi na lang may nasisira sakin aaarrrgggghhhh!!! Natuluyan na talaga phone ko. Wala akong makita. Hindi ko tuloy natext ng happy new year yung mga friends ko. Alam ko sira sya pero ok pa sya nung umaga before ng new year’s eve. Ewan ko ba at baka namagic ni dkee yun phone ko. Hinawakan nya eh. Sabi na nga ba mabigat talaga kamay nun eh bumigay na tuloy phone ko. Pero hindi daw nya sinira, sira na daw talaga. Eh bahala sya. Alam ko naman magmamatigas yun katulad ko.
Anyweyz, ayun, as usual 6pm pa lang antok na ko. Nakaset na sa utak ko na matutulog ako para magising ako ng 12 o’clock. Gusto ko tumalon baka tumangkad pa ko eh. Badtrip lang pinipilit kasi ako ng ermats ko magsimba. Eh wala nga ko sa mood, ang kulet. Inaasikaso ko kasi cellphone ko baka tumino pa. Di ta;aga ako tinigilan sa pagpilit magsimba. Antok na ko, gutom pa. last kain ko 10 pa ng umaga. Kumakalam na sikmura ko. Padabog akong sumama. Nakasimangot ako pumasok sa simbahan. Nakikipagshake-hands pa sakin yung mga tao sa church pero di ko matanggal yung pagkabugnutin ko. Nagkakantahan, sayawan at palakpakan silang lahat samantalang ako nakatayo lang parang estatwa. Di gumagalaw, walang emosyon. Sa harapan pa man din kami nakapwesto. Paborito ng ermats ko sa harap eh. Habang nagsesermon yung pastor natutulog lang ako. Paminsan-minsan pag may signal nagtetext din pero sinasaway ako. Pero text parin ako. Mainit ulo ko eh. Pero may nakwento ermats ko na medyo natawa naman ko. Nalaman ko kasi na may bf na ate ko. 22yrs old tapos sya 29. Ayus naman. Parang little brother ko na yun eh. Nakiliala daw nya sa states. No wonder, hindi sya makwento sakin ng ate ko baka nahihiya dahil pagtatawanan ko lang sya. Kung sakin yun pwede pa.
Nakatulog naman ako kahit sandali. Sino ba naman hindi magigising sa lakas ng paputok ng kapitbahay namin. Eh goodbye philippines mga pinapasabok samin. Niyayanig bahay namin. Meron palang ganun na paputok. Nagpapantig tenga ko.

Tuesday, December 2, 2008

Dyosa ng sablay

Ako na yata ang pinakamalas ng mga malas sa bwan ng november. Ewan ko ba. Masyado akong maaga para sa april fool’s day.
Pauwi na ako galing sa trabaho minamaneho ang isang lumang model ng sasakyan. Hindi naman ako nagmamadali. Walang traffic. Mabagal lang ako sa pagmaneho. Nasa daanghari ako sa tapat ng gate ng southvale. Nakita ko naka-red na ang stop light. Tumigil ako. Nangunguna ako sa mga sasakyan. May limang sasakyan na siguro sa likod at gilid ko. Nakita ko na may police mobile makalagpas ng southvale pero hindi ko sila pinansin. Akala ko nakatambay lang sila. Ang tagal ng stop light, wala naman dumadaan. Bigla na lang ako nag-first gear at nanguna sa mga sasakyan sa likod ko. Di pa man din ako nakaka-second gear sinenyasan na ako agad ng pulis. Nanginig ako. Nagtataka kung bakit nila ako pinatigil. Naisip ko baka may kaso yung sasakyan na dala ko o baka dahil wala akong registration sticker (natanggal kasi noong nagpa-tint ako ng salamin). Naka-shades pa ko. Gusto ko magtaray pero pinili ko magmukang nakakaawang bata. Binuksan ko ang bintana. Tinanong ko si mamang pulis kung bakit nya ko pinatigil. Nagtaas ng boses si manong at sabay nag-ingles! “Ma’am, give me your license!“ Marami siyang tanong at sinabi. What’s your name? Where do you work? Where do you live? When it’s stop, stop! I will not get your license because our office is far. Don’t do this again. I will give you another chance. Puro opo at sorry lang ako. Pinagbigyan nya ako. Nagsisigaw ako magisa sa sasakyan kasi feeling ko effective yung mukhang kawawang pagmumukha ako pero nangangatog ako sa kaba. Pakiramdam ko may trauma na ako sa pulis. Maganda naman natapos ang araw ko.
Wala pang dalawang linggo, heto nanaman ako. Sabado at napaka-traffic sa paligid ng Town. Pauwi nanaman ako. Lagpas na ako ng Frank Provost at paliko na ng Madrigal street. Sinusundan ko lang yung gold na Honda civic sa harap ko. Araw-araw ko nababasa yung traffic sign na “no right turn when the light is red” pero hindi ko pinapansin. Sobrang traffic at halos hindi gumagalaw ang mga sasakyan. Nag-red light na pero nag-turn right pa rin yung sasakyan na nasa harap ko at sinundan ko naman. Nag-go ako kahit stop. Nagsunuran din yung mga sasakyan na nasa likod ko. Pag-turn right ko, pinara kami ng ayala police. Nanginig nanaman ako at sinabi sa sarili ko na eto nanaman ako at hindi pa natuto. Sa pagkakataong ito hindi na ako nakalusot sa police. Binigyan ako ng ticket at kailangan magpunta ako sa barangay alabang para magbayad ng parusa. Problemado na nga ako sa pera na ininvest ko sa lanelle scam, heto nanaman dagdag gastos pa.
Linggo, naglalakad ako ng mabilis. Derecho lang tingin ko nang biglang natapilok ako ng malupit. Akala ko lampa lang ang natatapilok pero hindi pala. Ayun, nadali ako. Tumama ang hinlalaki ko sa paa sa semento. Anak ng puts at hindi lang yun. Sumumsob pa mukha ko sa pader na kahoy sa gilid ng sementong bato na yon. Tumama ang braso ko sa pader para ma-control ko ang sarili ko na bumagsak at lumagapak sa harap ng mga lalaking kasalubong ko. Nagulat pa sila sa pagkatalisod ko. “O, o, o! hala!”, “haha”, “O ano nangyari sayo?” yan ang mga narinig ko nung natalisod ako. Nag-init ulo ko. Kailangan pa ba tanungin kung ano nangyari sa akin eh kitang kita na nga kung ano nangyari sa kin! Hiyang-hiya ako sa pangyayaring yun. Pagkatapos nun, tumatawag pa yung isang lalaki na importante sakin pero hindi ko nasagot dahil naka-silent pala phone ko. Nag-bat empty na rin ako. Nahuli nya ako na nagsinungaling sa kanya noong team building namin. (Ayoko na muna ikwento ang part na yan dahil buong gabi ako umiiyak).
Lunes, pinakita ko sa kapatid ko yung ticket na binigay sa akin ng pulis. Sabi niya sya na daw ang maglalakad dahil pasyente nya yung head ng police sa ayala alabang. Iniwan ko yung ticket sa ibabaw ng lamesa pagkatapos ko kumain. Bumalik ako sa kwarto manood ng tv. Umalis na kapatid ko. Paglabas ko ng kwarto, wala na yung ticket. Sabi nya hindi daw nya dinala. Naghalungkat ako ng gamit baka kung saan ko lang nilagay. Pati basurahan paulit-ulit kong hinalungkat pero hindi ko na sya makita. Akala ko maaayos ko na kaso ko na disregarding traffic rules at makakalibre na sa penalty fee dahil sa tulong ng ate ko pero hindi pala dahil hindi ko na makita ang ticket. Malas.
Hindi pa natatapos ang araw umaariba nanaman ako. Sa wakas nagkakuryente na. isang oras din brown-out sa amin. Nagmadali ako pumasok ng bahay pagkatapos magpalamok sa labas ng bahay. Pumasok ako sa kwarto ng kapatid ko pinapanood ko ermats ko magpunas ng sahig. Nadulas ako sa basang sahig. Ewan ko ba kung bakit tumalon pa ako galing sa kama ng ate ko pababa ng sahig. Masakit pwet ko. Bukas kaya anong kamalasan naman? Excited na ako.