Ako na yata ang pinakamalas ng mga malas sa bwan ng november. Ewan ko ba. Masyado akong maaga para sa april fool’s day.
Pauwi na ako galing sa trabaho minamaneho ang isang lumang model ng sasakyan. Hindi naman ako nagmamadali. Walang traffic. Mabagal lang ako sa pagmaneho. Nasa daanghari ako sa tapat ng gate ng southvale. Nakita ko naka-red na ang stop light. Tumigil ako. Nangunguna ako sa mga sasakyan. May limang sasakyan na siguro sa likod at gilid ko. Nakita ko na may police mobile makalagpas ng southvale pero hindi ko sila pinansin. Akala ko nakatambay lang sila. Ang tagal ng stop light, wala naman dumadaan. Bigla na lang ako nag-first gear at nanguna sa mga sasakyan sa likod ko. Di pa man din ako nakaka-second gear sinenyasan na ako agad ng pulis. Nanginig ako. Nagtataka kung bakit nila ako pinatigil. Naisip ko baka may kaso yung sasakyan na dala ko o baka dahil wala akong registration sticker (natanggal kasi noong nagpa-tint ako ng salamin). Naka-shades pa ko. Gusto ko magtaray pero pinili ko magmukang nakakaawang bata. Binuksan ko ang bintana. Tinanong ko si mamang pulis kung bakit nya ko pinatigil. Nagtaas ng boses si manong at sabay nag-ingles! “Ma’am, give me your license!“ Marami siyang tanong at sinabi. What’s your name? Where do you work? Where do you live? When it’s stop, stop! I will not get your license because our office is far. Don’t do this again. I will give you another chance. Puro opo at sorry lang ako. Pinagbigyan nya ako. Nagsisigaw ako magisa sa sasakyan kasi feeling ko effective yung mukhang kawawang pagmumukha ako pero nangangatog ako sa kaba. Pakiramdam ko may trauma na ako sa pulis. Maganda naman natapos ang araw ko.
Wala pang dalawang linggo, heto nanaman ako. Sabado at napaka-traffic sa paligid ng Town. Pauwi nanaman ako. Lagpas na ako ng Frank Provost at paliko na ng Madrigal street. Sinusundan ko lang yung gold na Honda civic sa harap ko. Araw-araw ko nababasa yung traffic sign na “no right turn when the light is red” pero hindi ko pinapansin. Sobrang traffic at halos hindi gumagalaw ang mga sasakyan. Nag-red light na pero nag-turn right pa rin yung sasakyan na nasa harap ko at sinundan ko naman. Nag-go ako kahit stop. Nagsunuran din yung mga sasakyan na nasa likod ko. Pag-turn right ko, pinara kami ng ayala police. Nanginig nanaman ako at sinabi sa sarili ko na eto nanaman ako at hindi pa natuto. Sa pagkakataong ito hindi na ako nakalusot sa police. Binigyan ako ng ticket at kailangan magpunta ako sa barangay alabang para magbayad ng parusa. Problemado na nga ako sa pera na ininvest ko sa lanelle scam, heto nanaman dagdag gastos pa.
Linggo, naglalakad ako ng mabilis. Derecho lang tingin ko nang biglang natapilok ako ng malupit. Akala ko lampa lang ang natatapilok pero hindi pala. Ayun, nadali ako. Tumama ang hinlalaki ko sa paa sa semento. Anak ng puts at hindi lang yun. Sumumsob pa mukha ko sa pader na kahoy sa gilid ng sementong bato na yon. Tumama ang braso ko sa pader para ma-control ko ang sarili ko na bumagsak at lumagapak sa harap ng mga lalaking kasalubong ko. Nagulat pa sila sa pagkatalisod ko. “O, o, o! hala!”, “haha”, “O ano nangyari sayo?” yan ang mga narinig ko nung natalisod ako. Nag-init ulo ko. Kailangan pa ba tanungin kung ano nangyari sa akin eh kitang kita na nga kung ano nangyari sa kin! Hiyang-hiya ako sa pangyayaring yun. Pagkatapos nun, tumatawag pa yung isang lalaki na importante sakin pero hindi ko nasagot dahil naka-silent pala phone ko. Nag-bat empty na rin ako. Nahuli nya ako na nagsinungaling sa kanya noong team building namin. (Ayoko na muna ikwento ang part na yan dahil buong gabi ako umiiyak).
Lunes, pinakita ko sa kapatid ko yung ticket na binigay sa akin ng pulis. Sabi niya sya na daw ang maglalakad dahil pasyente nya yung head ng police sa ayala alabang. Iniwan ko yung ticket sa ibabaw ng lamesa pagkatapos ko kumain. Bumalik ako sa kwarto manood ng tv. Umalis na kapatid ko. Paglabas ko ng kwarto, wala na yung ticket. Sabi nya hindi daw nya dinala. Naghalungkat ako ng gamit baka kung saan ko lang nilagay. Pati basurahan paulit-ulit kong hinalungkat pero hindi ko na sya makita. Akala ko maaayos ko na kaso ko na disregarding traffic rules at makakalibre na sa penalty fee dahil sa tulong ng ate ko pero hindi pala dahil hindi ko na makita ang ticket. Malas.
Hindi pa natatapos ang araw umaariba nanaman ako. Sa wakas nagkakuryente na. isang oras din brown-out sa amin. Nagmadali ako pumasok ng bahay pagkatapos magpalamok sa labas ng bahay. Pumasok ako sa kwarto ng kapatid ko pinapanood ko ermats ko magpunas ng sahig. Nadulas ako sa basang sahig. Ewan ko ba kung bakit tumalon pa ako galing sa kama ng ate ko pababa ng sahig. Masakit pwet ko. Bukas kaya anong kamalasan naman? Excited na ako.

baka karma yan hehe!
ReplyDeletepinaghuhuli na si milanie torralba!
ReplyDeletewalang katotohanan ang tungkol sa paninira kay milanie torralba. Marami gusto sumira sa kanya pero mga tao itong sobrang sama. Walang magawa kundi gustuhing manira ng kapwa.
ReplyDelete