Tuesday, November 1, 2011
HappyatZ :)
Highschool days. cutting classes, suspended, community service, laging absent or late. Nakakamiss lang.
College weed and voodoo days. Inom sa Laguna, Cavite, Tagaytay, Batangas. High kahit saan. Sa dorm, sa kalsada, hotbox sa kotse, sa tapat ng school sa 711. Weeds habang may klase(muntik mahuli ng prof buti tanga hindi alam ang amoy) Magaaral daw sa Tagaytay pero hindi, maglalasing lang talaga. Banned sa windward, edi bawal kung bawal. May downhill naman. Kodigo sa cellphone, hightech! Exempted sa test, ayus! Tambay sa bilyaran, manuod ng away, pustahan, sugal sa dorm, ubusan ng pera. Drawing ng malaking etits sa marketing bldg at kung saan saan, may pangalan pa -- si godfather! Sex machine. Magdamag na inuman sa pansol. Talon sa swimming pool ng lasing from second floor. Duguan pag uwi. Pero hindi daw lasing, nakainom lang. Palitan ng bf/gf. Buntis na kaklase. 5mos napalaglag pero deny parin, walang nagsalita. After a month jontis nanaman! Drive kahit lasing, positive sa drugs at pekeng lisensya...nun makabangga takbo dahil kay mister suave. Suka sa sasakyan kahit sa van walang pakialamanan. Karera ng kotse kahit 50/50 na buhay sa kasalubong na truck go pa rin. May sapusa lahi ng tropang hokhok. Limang kotse laging convoy, kahit san mapadpad basta ambag ambag ng 50 pesos pang-gas solid na. Magcocommute, uuwi ng sabog. High sa jeep, madalas walang masakyan pero oks lang happy naman. Haaaay i miss college!
Tuesday, October 25, 2011
Inspired playa...
Inspired lang ako pumasok ngayon. Sana nga nantitrip lang ako. Yun ang alam ko trip trip lang. Sana hanggang trip lang talaga. Wag tatanga tanga. Eh kaso tanga na. Masarap magpakatanga. Oh please, tukso layuan mo ako. Andami nyo nak ng pooch bat sunod sunod kayo?!
Wednesday, July 13, 2011
Dog grooming day
My dogs, my babies. I currently have 8. I bathe them once a month. If theyre unlucky enough, they get it twice. They hate water. Giving them a bath properly is a big, big, big task. It takes a lot of patience and effort. If they feel its time to take a bath, theyll try to look for places to hide from me like under the table, sofa, bed and they will not respond from my call. I have to drag or carry them to the laundry. One of my dogs even cry and whine while taking a bath. But after all the hard work bathing them, i feel relieved. Everyone is hyper. They roll around the house, wrestle with each other, play, frantically running their ears against the floor, and get dirrrty again. Lol.
Sunday, July 10, 2011
My church experience
Kanina lang to.
Ok na sana e. I like the songs (hillsong). Solemn yun prayers, feel na feel ko. Tumatagos sakin. Ok din yun sermon ng pastor nakakarelate ako. Laging ganun ok na halos lahat except sa huli. Tuwing tapos na yun mass bago pa ko makalabas ng simbahan lagi na lang ako nakokorner ng mga fellas ng ermats ko. Sinasabi nila na natutuwa sila tuwing nakikita nila ko sa church at gustong gusto nila ko makausap (yan ang lagi nilang linya). Lagi na lang ako may one on one sa isa sa kanila. Lagi. Tapos tinatanong nila kung ok lang ba magstay ako sandali for 15mins for prayers or gusto lang nila magshare ng experience nila sakin. E syempre ok lang naman sakin yun. Ayun pinapabasa nila ako ng mga teachings/preachings of God which is fine for me. Kaso tuwing nangyayari yun iba naffeel ko. Para bang isa akong prodigal son na parang ako lang ang kakaiba sa church at kelangan nila ko pangaralan at ipagdasal. Sinasabi ko naman na makasalanan akong tao. Aminado naman ako dun. Tinatanung nila ko kung sigurado daw ba ako na mapupunta ako sa langit pag nadedo ako. Sabi ko aba hindi ko alam yan. Basta alam ko sa sarili ko tanggap ko siya at nagdadasal pa ko. Sabi nila they want to treat me like a baby. Born again. May baby steps. Ok lang sana kaso hindi ako sanay na hinihingi ang opinion/beliefs ko. I mean hindi ako sanay magshare ng experiences sa taong hindi ko kaclose. I would rather listen and act on it (kaya ko itry). Pero yung tipong question and answer and share portion hindi ako maaasahan dun. Hiningi pa yung schedule and number ko kasi tinatanung nila kung kelan ako pwede sa baby steps. Sabi ko magulo schedule ko baka hindi ako makapunta sa church. Sila daw ang pupunta sa bahay. 1 hour lang naman daw for 6weeks! Huh? Nagulat ako dun. Sabi nila wag ko daw isipin na conversion. Its accepting God. Wala naman ako sinabing hindi ko tinatanggap ah. Iba tuloy bigla pumasok sa creative and imaginative mind ko. Anu to rehab? Irerehab nila ko? Well, yung ang dating sakin.
Subscribe to:
Comments (Atom)

