Saturday, October 18, 2008

Daig ko pa ang nagahasa

October 18, 2008, 12:21pm, I’m inside the office. Lumabas ako papunta sa parking lot to get my cellphone tapos sabay punta na rin sa cr. I checked my inbox hoping na meron nakaalala sa akin. Konting oras na lang patapos na shift ko. Im excited to go home. Oh well, nakareceive ako ng text sa isang importanteng lalaki para sa akin tinatanong kung asan ako. Pasabay naman daw sa akin pauwi kasi kasama niya yung tatlong pinsan niya. Dalawang babae, yung isa chubby, yung isa medyo ka-size ko na malaman lang. yung isa naman ay lalaki na suplado. Birthday ng isa pa niyang pinsan. Nahiya ako isakay sila sa sasakyan ko kasi mahina aircon pero feeling ko it’s my responsibility to pick them up. Galing pa silang Nakpil. Malayo. Sinundo ko silang apat sa Red Ribbon sa ATC. First time ko lang nakita at nakilala yung tatlo dun pero pagbukas ng door I smiled at them para ma-feel naman nila na welcome sila at willing ako ihatid sila sa bahay nila. Sobrang init ng sasakyan at lalo pang uminit dahil puno kami.
Sa wakas nakarating din kami sa bahay nila in 20 minutes. Nakikain ako gutom na rin kasi ako. Nilaga ang ulam. Masarap lalu na’t magkashare kami ng pagkain sa isang plato. Tinanong ng tita niya kung totoo daw ba na may bf na ako. Ngumiti lang ako. Tinanong ng intrigerang pinsan niya kung kami ba. Siya ang sumagot. Sabi niya hindi. Sumabat ako at sinabi ko na hindi na. malaki ang pagkakaiba nun. Tumahimik na lang kaming lahat at wala na nagreact. Nagyosi kaming dalawa.
After meal, nakaupo na lang kaming lahat sa sala at nanuod ng Startalk. So awkward ang feeling kasi nakaupo lang ako sa isang upuan sa sulok trying to enjoy the moment pero hindi ko magawa. I’m happy because I’m with him. Pero anung silbi ng magkasama kayo pero hindi naman kayo naguusap? Tumabi ako sa kanya at nagtry ako mangulit kaso hindi ako bumenta. Sabi nya umuwi na raw ako dahil baka inaantok na ako. Sabi ko ayoko pa. Nilaro ko na lang yung psp nya pero kinuha din nya sa akin. Siya ang naglaro. Nakaupo na lang ako. Nagiisip kung ano ang pwedeng gawin. Kinulit ko sya ulit at hinarot-harot. Pangit pakinggan pero yan talaga ang ginawa ko. Nainis siya. Kinalikot ko na lang ang cellphone ko at nagpanggap na may ka-text ako. Nagtext ako sa isang kaibigan ko na inaasahan kong magrereply pero hindi nagreply. Malamang tulog na sya.
Nangulit ulit ako. Nahatak ko yung lace ng psp nya. Sa sobrang inis nya nagdabog sya at hinatak yung lace hangang sa maputol sya. Natahimik ako. Pinatay na yung tv. Tumunganga na lang ako. Tinitigan ko ang itim na sapatos ko. Kinalikot ang cellphone. Pinagmasdan ang pagikot ng electricfan. Pinagpapawisan ako. Ganun pala ako literal na tunganga.
Tahimik pa rin ako. Maraming pumapasok sa isip ko. Oras na ba umuwi? Magpapaalam pa ba ako umuwi sa kanya o magwo-walk-out na lang ko? Issue yan. Nakakahiya naman sa tito at tita nya kung bigla na lang ako umalis. Naiiyak ako pero bakit ako iiyak? Napakababaw pero big deal siya sa akin. Naisip ko hindi ko naman siya pinilit na papuntahin ako sa bahay niya. Sya ang nagrequest kung pwede ko sila ihatid sa bahay para makatipid sa pamasahe sa van. Pinagbigyan ko lang yung pakiusap niya pero bakit parang ako pa ang may utang na loob? I was aggravated.
Finally, bigla na lang ako napatayo at lumabas na lang bigla sa bibig ko “tita, tito, uuwi na po ako.” Sabi nila wag muna daw ako umuwi. Sa pagkakaalam ko may inuman pa kasi sa gabi. Request nila na bumalik na lang ako. I can’t feel the sincerety kaya sabi ko titignan ko kung makakabalik pa ako. Bakit ako babalik kung yung nagiisang tao na inaasahan ko na i-welcome ako ay hindi naman ako winewelcome? Feeling ko talaga nagamit lang ako. Nakipagkita siya dahil kailangan niya ako sa oras lang na yun. Hindi nya talaga ako gusto makita o makasama pero kinailangan nya ako. Daig ko pa ang nagahasa. Sana nagahasa na nga lang ako baka nasarapan pa ako. At least pag nagahasa ka, malinaw ang intention. Wala nang tanong. Alam mo na gusto lang ang katawan mo. Ayaw mo pero wala kang magawa.
Umalis ako ng bahay nila ng may sama ng loob. Hindi ako galit pero nasaktan ako. Hindi ko na nakuhang magpaalam sa kanya. Hindi rin naman niya ako hinatid palabas. Hindi ko na rin naman inexpect na ihahatid pa niya ako. Ugali na niya yun. MAGMATIGAS.
Nagmadali na akong umuwi. Nagtext siya sa akin pagdating ko sa bahay ko. Gusto ko bumalik sa bahay nila. I’m just waiting for him to invite me or just ask me kung gusto ko sumama sa family gathering nila sa gabi pero wala. Wala.

1 comment:

  1. tahimik na lang tayo. ganun naman lagi. isipin na lang natin na in one way or another kahit pano ito dun yung ginusto natin walang nagpumilit.

    ReplyDelete