Sa dinami-dami namang taong pwede kong patulan, ewan ko at sayo pa ko napunta! Napakamalas ko talaga at natali pa ko sayo. Katulad nga ng sinabi ko sayo, kinakahiya ko paguugali mo. Napakayabang mo. Kung ikaw ay isang hangin, daig mo pa ang bagyo! Marami ka nang sinalanta. At katulad ng isang malaking nunal sa mukha, ang sarap mong tanggalin.
Pag kasama mo barkada mo at nagkakasiyahan kayo, nangingibabaw ang tawa mo kahit hindi naman masyadong nakakatawa. Mahilig ka umeksena at feeling mo alam mo lahat-lahat. Dunung-dunong. Mahilig ka magyabang at magkwento ng tungkol sa anak ng kapatid ng ermats ng tropa ng pinsan ng kuya ng kapit-bahay na anak ng katulong ng kamaganak mo. Hinarurot mo pa sasakyan ng erpats mo sa harap ng barkada ko dahil mainit ulo mo. Wahaha ayus. Siya nga pala, sabi nga rin pala ng barkada ko sa highschool, college at ng mga kaibigan ko sa trabaho mayabang ka. Paulit-ulit pero iisa sinasabi, mayabang. Consistent hanep! Ano na nga ba ang naiyabang mo sa sarili mo?
Puro ka daldal. Puro ka sorry. Palagi mo sinisisi magulang mo sa mga pagkakamali mo. Pati sa cellphone napakahaba mo magtext wala naman substance.
Siyempre pagkatapos ng lahat sasabihin mo ikaw ang kinakawawa. Kesho puro mali na lang ang pinapansin sayo. Bakit meron bang tama? May tama ka!
Ayoko sayo kaya pwede ba layuan mo na ako!
Katulad ng sinabi ko sayo, wag na wag ka nang haharap sa barkada ko katulad ng di ko pagharap sa pamilya mo.
I don’t need your immature nonsense explanations. Just shut up! SHUT UP!!!
Sunday, October 26, 2008
bibo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hi, Can we exchange links :-D
ReplyDeletebaka naman kasi may karapatan siyang maging ganun.
ReplyDelete