Thursday, August 20, 2009

Survivor Anawangin























What to bring:
Tents, flashlights, sleeping bag, off lotion, gas burner, lamp, cooking stuff, uling, food, chips, swimsuit, camera, sunblock, ziplock plastic bags, The Bar.

Team building. It took 6 hours from Alabang to Zambales. Grabe naman kasi traffic sa SLEX. Pero in fairness na-enjoy ko yung travel. Yung travel lang. First time ko makadaan sa napakagandang newly opened road, SCTEX. Feeling ko nasa ibang bansa ako. Dadaan ka sa gitna ng ginibang bundok. Walang ibang sasakyan. Walang ilaw sa gabi. Speed limit is between 80 - 100 kph. Pag bumagal ka, huli ka ng patrol. Parang nasa Farmville ka lang. Butas nga lang bulsa mo sa dami ng tollgates. 380php ba naman nagastos sa toll one-way pa lang from SCTEX hanggang Subic. Sa sobrang mahal napatambay kami sa Subic. Kamalas-malasan, mahigpit pala sa Subic, nahuli kami sa No Right Turn. Ang kulet naman kasi ng driver ayaw sumunod sa traffic sign.
Then 30-minute boatride pa going to Anawangin Cove. Buti pwede pa sumakay ng bangka kahit 7:00pm na ng gabi. Walang alon kasi walang hangin. Low tide.
When we arrived there grabe hassle walang signal! Walang silbi ang cellphone. Taong bundok talaga kami. Walang tao sa island, kami lang. Walang ilaw. Mag-iigib ka pa ng tubig sa poso. Madilim. Puro pine trees, mountain, lagoon, and the beach. We brought seven tents. Walang choice. Matutulog ka sa buhangin. Masakit sa katawan. Naku naman. And the sand! My gudnes! The sand! I was expecting a white sand. Pero hindi sya white sand. White lang sya sa picture. Pero it’s gray with white ashes dahil yata sa Mt. Pinatubo. Full of crystal sands kaya maputi sya sa picture. I could’ve appreciated the island kung kasama ko siguro mga friends ko sa GE, baka masaya pa, pero kasama ko yung mga ibang teammates ko na panget at walang ginawa kundi matulog sa tent at maginarte.
I won’t be coming back to this place ever again. Tama na yung napuntahan ko sya once in my life and took a picture of it. But I will not be going back to this place. Hindi ako magsusurvive.

Tuesday, August 4, 2009

Salamat


Tatlong araw na yata akong umiiyak. Naiiyak ako sa balita. Naiyak din ako sa interview kay Kris Aquino. Nakakaiyak yung kwento nya huhu. Hindi naman nila ako kamag-anak pero araw-araw tuwing papasok ako sa trabaho namamaga mata ko. Haaaayyyy.


Salamat President Cory.