Thursday, March 29, 2012

Contractual

Isang bwan na lang matatapos na to, I guess. Sana kayanin ko. 6 months? Contractual lang eh. Kelangan tapusin bago maregular. Mahirap na. Ngayon pa nga lang may feelings na ko, what more kung tumagal pa. Kabit ng "kabit". Davah, ang gwapo naman nya.
We're okay. We're not even fubu. We're friends. Good friends. Close. Very very close. Well, yun ang palagay namin. We have so much in common. Nagja-jive ang utak namin. Sobra. Masaya kami na kaming dalawa lang. Kaya namin magusap ng kahit ano buong araw. Muhka lang syang walang sense kausap at mukha lang akong loka loka pero totoo may sense siya kausap.
May problema lang sa fidelity naming dalawa. Yea, problema ko nga talaga ata yan. He's married, he has an ex gf na tingin ko hindi ex. Naghiwalay sila dahil nagpakasal sya. So hindi talaga ako ang dahilan ng paghihiwalay nila. Pero ako ata ang dahilan kung bat hindi sila magkabalikan. Oo babaero siya sobra. Sabi niya pareho lang kami. Ako naman daw ang version ng babaero sa mata ng lalaki. At naiinis siya dun. Marami na kaming away dahil dyan. Seloso siya masyado. Ayaw niya na nangungulit ako sa iba. Ayaw niya ng beso beso. Bawal dumikit sa iba. Bawal umakbay. Bawal may ibang sumakay sa sasakyan ko, bawal uminom pag wala siya, bawal may tumabi sakin. Maraming bawal dahil hindi daw siya ganun. Hindi siya ganun sa public. Nawitness ko na naman yun nung sila pa ng gf nya. At galit siya dahil ginagawa ko lahat ng bawal. At tingin ko yun din ang dahilan kung bakit hindi pwede maging seryoso ang relasyon namin.
Hindi ko na mababago ang sarili ko. Nasaktan siya nung nalaman niya yun about sa kiddie pool. Alam niya kasi gustong gusto ko si Hemp guy. Quits lang kami. May asawa siya, may bf ako. At hindi ko na rin naman mababago ang sarili niya. Babaero siya. Literal. Hindi fubu. Lahat may feelings siya. Emotional siya. Idol niya ata si Ramon Revilla at Dolphy. Gusto niya may anak sa lahat. Muntik na ko mahulog sa kanya. Minsan naiisip ko na rin bumigay. Parang sige anak lang din naman gusto ko. Pero mali. Sobrang bait ng asawa niya. Sabi ko wag niya iwan asawa niya. Hindi sa dahil may anak na sila kundi dahil swerte na siya sa asawa niya.
Ayoko na ikwento lahat. Maraming fun moments samin. Marami ring tampuhan at pakiramdaman. Gamitan pwede rin. Sana lang pag naghiwalay na kami hindi ako masaktan kung makikita ko na bumalik na siya sa exgf niya o kung may bago siya. Ganun din naman ako. Alam ko naman na hindi rin niya kaya na makita ako na may kasamang iba. Ang difference lang, lahat ng nakakasama ko eh wala naman relasyon, friends lang lahat. Eh siya, possibleng meron. Lalaki siya, wala naman mawawala sa kanya. Ang lagay lang hindi siya ganun. Bumibigay din siya na parang babae.
Malinaw naman ang usapan namin. We will still be friends no matter what. Hanggang dun lang. Alam din namin hanggang April lang to. Kung single siya siguro malamang bumigay din ako at nagpakasal katulad ng ginawa ng asawa niya ngayon...kahit alam niyang babaero pa siya.

Whatever it is, im still stupid. Well, at least someone is making me laugh and happy kahit 6mos lang.

Saturday, March 10, 2012

4u



nakarelate much? hindi naman sa lahat. portion lang ng lyrics.