Thursday, January 12, 2012

Un na un

Yun kung kelan pa nahanap mo na ulit ang happiness mo saka ulit biglang ilalayo.
Yun kung kelan nakangiti na kayo pareho saka pa maraming kontra.
Yun tipong kala niyo kayong dalawa lang tao sa mundo at wala kayong pakialam.
Yun parang ang bilis maubos ng oras.
Yun parang hindi kayo nauubusan ng kwento.
Yun kahit corny eh nakakatawa pa rin.
Yun parang hindi kayo mapaghiwalay dahil package na kayo.
Yun sobrang pareho kayo sa lahat ng bagay.
Yun ibibigay niyo lahat ng walang kapalit.
Yun kahit palpak tanggap niyo pa rin isa't isa.
Yun tipong ok na lahat saka pa magkakaproblema.
Yun tipong hawak mo na pero hindi pa rin sayo.
Yun nahuli ka lang sandali, hindi na sayo habang buhay.
Yun alam niyo na para kayo sa isa't isa pero hindi pa rin pwede.
Yun puro buntong hininga na lang kasi wala ka na magawa :(

Wednesday, January 11, 2012

2nd chance

I'm scared because I'm about to lose you. Ilang araw na lang... Bilang na. I wasn't expecting this to happen too soon. Kung hindi ka lang naging tanga eh di sana ok pa. Pero sabi ko nga kanina baka eto talaga gusto ni Lord. Kelangan itigil ang kasalanan bago pa lumala. Pero kung may extension ka pa at bigyan ka ng second chance, naku, malamang mas malupit na parusa haharapin ko sa mga darating na bwan. Kung tatagal pa to baka mas gusto ni Lord na mauntog ako ng mas malupit at mas masakit:(



Tuesday, January 3, 2012

Maelka and Paelka

Sa ganito kami nagsimula... Tambay at titigan. Walang usap. Yosi lang. Ngitian, tinginan, kantahan, tuksuhan, tawanan, biruan, iyakan, lambingan, pakiramdaman. Selosan. Away na walang salita, nakukuha lang sa tingin. Halata pero di pa rin umaamin. Sikretong malupit.
Almost perfect ang samahan kaso sablay pa rin. Kung medyo napaaga lang ang titigan malamang... Siya na, kahit maraming kontra.

10-14-11