Saturday, August 18, 2012

MasKissino

Buti na lang hindi ako pumayag sumali sa mtv nila. Kakapanood ko pa lang, affected na. In fairness maganda. Pati lyrics. Fumifeeling tumama sakin. Same place, inasal. Kung ako talaga yun gumanap "dun" magiging issue pa sya. So buti marunong pa pala ako tumanggi.

https://vimeo.com/47628489

Friday, July 27, 2012

I'm losing hope :*(

Sobra na ata. Bibigay na ko. Masyadong nakarelate sa lyrics. Parang sinulat para sakin.

Tuesday, July 17, 2012

Bhohssss

Sa lahat naman na pwede ko maging boss, si Mr. Hemp Republic pa! Ayoko siya maging boss! Mapipilitan ako magkaron ng respeto. Kelangan ko na magpigil sa kilig. Ang hirap! Pakkk. Mas ok yun dati na nagpapakiramdaman kami at nagpapapansin sa isa't isa. Ngayon walang choice kundi lumapit sa kanya kasi boss ko na nga siya. Naku namerrrn. Nakakailang pag usapan ang team building. Bawal na ang may kiddie pool. Malamang walang overnight na mangyayari harhar. Gusto ko man siya mapromote pa sa pagiging OM pero parang mas ok kung wag na lang. Lalabas, i f*kcd my OM pa. Pero mukhang magiging ok naman ang samahan namin ngayon sa team. Civil.

Sunday, July 8, 2012

Anniv

Oh well papel deep well. Ang gulo-gulo ng utak mo at utak ko. First year wedding anniversary pala nila pero sino ang kasama? Ako.

Monday, June 18, 2012

EmoOoOoPak!

Para sa mga lalaking minahal ko (past tense take note) at sa mga mamahalin ko at iiwan ko o iiwanan ako. Pakyu kayo pero i'll pak myself na rin. My lablayp is sooo pakd up. Wehehe biterbiran. Walang mapagbuhusan. Kornik.

Thursday, May 10, 2012

Nakaka-adik ka.

A. Para kang drugs.
B. Bakit? Dahil nakakaadik?
A. Nakakasira ng buhay.
 

Happy. Feeling hopeless but happy :)


Sunday, April 8, 2012

kantatrip

"Show me that love is worth the wait"
Hindi na ko makapaghintay. Pabuntis na lang kaya ako? Sira.



Put the past away!



This feeling won't last that long...



Get outta my life... You're nothing but trouble.

Saturday, April 7, 2012

Big Brother Knows Too Much I Might Kill Him


Sobra ka na bigbrother. Itutok mo naman sa iba ang cctv. Hindi lang naman isa ang kelangan tutukan dito. Marami pang iba na mas malupit rumampa. Kahit anung patago eh lantad pa rin dahil sayo. Igalaw-galaw mo naman ang camera. 
Si gwapong guard, ayaw pigilan ang bunganga. Kelangan sabihan talaga na salawahan sa harap nila? Sa bawat taong nakadikit at nakasunod kelangan may abiso na salawahan ang binubuntutan nila? Kelangan tuwing nagkakasabay ang mga ibang karibal eh iaannounce pa ba dapat?
Sa bawat pagkakataon na may makasabay sa elevator na kami lang dalawa kung sino man sila, kelangan ba bigbrother niraradyo mo agad kay kuyang guard? Alam ko marami kang nakikitang pangyayari sa elevator na aliw na aliw ka rin naman pero sana tumahimik ka na lang. 
Echuserang kuya wala akong pakialam kung maraming babaeng inggitera, selosa at mga dudera ang imbyerna. Palibhasa walang bumubuntot sa kanila. 
Ibabalik ko na ang korona sa kanila. Korona talaga? Sabihan ba naman na mangaagaw ng korona?! Sa kanila na ang korona akin ang hari nila ;p
Bigbrother, saksi ka na hindi sa aking ang first move at wala akong ginagawang move. Pero shut up ka na lang din para malinis ang lahat. Marami masmalupit dyan na nag o-all the way at sumisira ng buhay. Loser pa ko at wala sa kalingkingan pag nakipagsabayan. Sabi nga nila aanhin pa ang maganda kung hindi naman malandi. Buti na lang maganda lang ako waaaah!
Kaya tumahimik ka na lang.

Friday, April 6, 2012

Thrilled

Biyernes santo. Hindi ko alam kung ano ang tumakbo sa kokote namin pero mukhang naghanap lang kami ng excitement. Takot. Atras kami pareho. Pero malakas pa rin loob kahit papano. May mga matang nagmamasid. Hindi makalabas ng sasakyan. Isang kurap, pasok agad ng patago sa loob. Wala, okay? Wala. Malinaw. Tamang trip lang. May respeto pa naman ako sa taong nakatira sa bahay... Bahay daw niya. Sabi ko conjugal, so bahay nilang dalawa.
Mainit. Pero kahit malamig malamang pagpawisan pa rin. Naka ngising kabado. Sabik sa adventure. Tipong isang pagkakamali, bitay. 
Sagarin na lahat. April tatapusin ko na to. Ayoko pero kailangan.

Thursday, March 29, 2012

Contractual

Isang bwan na lang matatapos na to, I guess. Sana kayanin ko. 6 months? Contractual lang eh. Kelangan tapusin bago maregular. Mahirap na. Ngayon pa nga lang may feelings na ko, what more kung tumagal pa. Kabit ng "kabit". Davah, ang gwapo naman nya.
We're okay. We're not even fubu. We're friends. Good friends. Close. Very very close. Well, yun ang palagay namin. We have so much in common. Nagja-jive ang utak namin. Sobra. Masaya kami na kaming dalawa lang. Kaya namin magusap ng kahit ano buong araw. Muhka lang syang walang sense kausap at mukha lang akong loka loka pero totoo may sense siya kausap.
May problema lang sa fidelity naming dalawa. Yea, problema ko nga talaga ata yan. He's married, he has an ex gf na tingin ko hindi ex. Naghiwalay sila dahil nagpakasal sya. So hindi talaga ako ang dahilan ng paghihiwalay nila. Pero ako ata ang dahilan kung bat hindi sila magkabalikan. Oo babaero siya sobra. Sabi niya pareho lang kami. Ako naman daw ang version ng babaero sa mata ng lalaki. At naiinis siya dun. Marami na kaming away dahil dyan. Seloso siya masyado. Ayaw niya na nangungulit ako sa iba. Ayaw niya ng beso beso. Bawal dumikit sa iba. Bawal umakbay. Bawal may ibang sumakay sa sasakyan ko, bawal uminom pag wala siya, bawal may tumabi sakin. Maraming bawal dahil hindi daw siya ganun. Hindi siya ganun sa public. Nawitness ko na naman yun nung sila pa ng gf nya. At galit siya dahil ginagawa ko lahat ng bawal. At tingin ko yun din ang dahilan kung bakit hindi pwede maging seryoso ang relasyon namin.
Hindi ko na mababago ang sarili ko. Nasaktan siya nung nalaman niya yun about sa kiddie pool. Alam niya kasi gustong gusto ko si Hemp guy. Quits lang kami. May asawa siya, may bf ako. At hindi ko na rin naman mababago ang sarili niya. Babaero siya. Literal. Hindi fubu. Lahat may feelings siya. Emotional siya. Idol niya ata si Ramon Revilla at Dolphy. Gusto niya may anak sa lahat. Muntik na ko mahulog sa kanya. Minsan naiisip ko na rin bumigay. Parang sige anak lang din naman gusto ko. Pero mali. Sobrang bait ng asawa niya. Sabi ko wag niya iwan asawa niya. Hindi sa dahil may anak na sila kundi dahil swerte na siya sa asawa niya.
Ayoko na ikwento lahat. Maraming fun moments samin. Marami ring tampuhan at pakiramdaman. Gamitan pwede rin. Sana lang pag naghiwalay na kami hindi ako masaktan kung makikita ko na bumalik na siya sa exgf niya o kung may bago siya. Ganun din naman ako. Alam ko naman na hindi rin niya kaya na makita ako na may kasamang iba. Ang difference lang, lahat ng nakakasama ko eh wala naman relasyon, friends lang lahat. Eh siya, possibleng meron. Lalaki siya, wala naman mawawala sa kanya. Ang lagay lang hindi siya ganun. Bumibigay din siya na parang babae.
Malinaw naman ang usapan namin. We will still be friends no matter what. Hanggang dun lang. Alam din namin hanggang April lang to. Kung single siya siguro malamang bumigay din ako at nagpakasal katulad ng ginawa ng asawa niya ngayon...kahit alam niyang babaero pa siya.

Whatever it is, im still stupid. Well, at least someone is making me laugh and happy kahit 6mos lang.

Saturday, March 10, 2012

4u



nakarelate much? hindi naman sa lahat. portion lang ng lyrics.

Thursday, February 16, 2012

A.P.

bagong inspirasyon ko sa trabaho:)

Mr hemp

Wala akong ibang mapagbuhusan kaya dito na lang. I'm sooo in love with this guy. He's the keyboardist of Hemp Republic. Pero naggigitara at kumakanta din sya. Hmmm...puro happily married ang mga gusto ko ngayon. tsk tsk tsk. Another secret affair. Actually mejo bulgar to. I dont care if it's a public acts of violence sa kiddie pool! I like him. Pero hanggang dun na lang yun.

Tuesday, February 7, 2012

Para sa mga kabet!



Hindi ko alam pero aray. Itigil na ang masamang bisyo na to. ITIGIL na ang kalokohan! Pakatino na tayo! Tangina.

Thursday, January 12, 2012

Un na un

Yun kung kelan pa nahanap mo na ulit ang happiness mo saka ulit biglang ilalayo.
Yun kung kelan nakangiti na kayo pareho saka pa maraming kontra.
Yun tipong kala niyo kayong dalawa lang tao sa mundo at wala kayong pakialam.
Yun parang ang bilis maubos ng oras.
Yun parang hindi kayo nauubusan ng kwento.
Yun kahit corny eh nakakatawa pa rin.
Yun parang hindi kayo mapaghiwalay dahil package na kayo.
Yun sobrang pareho kayo sa lahat ng bagay.
Yun ibibigay niyo lahat ng walang kapalit.
Yun kahit palpak tanggap niyo pa rin isa't isa.
Yun tipong ok na lahat saka pa magkakaproblema.
Yun tipong hawak mo na pero hindi pa rin sayo.
Yun nahuli ka lang sandali, hindi na sayo habang buhay.
Yun alam niyo na para kayo sa isa't isa pero hindi pa rin pwede.
Yun puro buntong hininga na lang kasi wala ka na magawa :(

Wednesday, January 11, 2012

2nd chance

I'm scared because I'm about to lose you. Ilang araw na lang... Bilang na. I wasn't expecting this to happen too soon. Kung hindi ka lang naging tanga eh di sana ok pa. Pero sabi ko nga kanina baka eto talaga gusto ni Lord. Kelangan itigil ang kasalanan bago pa lumala. Pero kung may extension ka pa at bigyan ka ng second chance, naku, malamang mas malupit na parusa haharapin ko sa mga darating na bwan. Kung tatagal pa to baka mas gusto ni Lord na mauntog ako ng mas malupit at mas masakit:(



Tuesday, January 3, 2012

Maelka and Paelka

Sa ganito kami nagsimula... Tambay at titigan. Walang usap. Yosi lang. Ngitian, tinginan, kantahan, tuksuhan, tawanan, biruan, iyakan, lambingan, pakiramdaman. Selosan. Away na walang salita, nakukuha lang sa tingin. Halata pero di pa rin umaamin. Sikretong malupit.
Almost perfect ang samahan kaso sablay pa rin. Kung medyo napaaga lang ang titigan malamang... Siya na, kahit maraming kontra.

10-14-11