Sunday, October 10, 2010

1on1

Bilang lang ang taong nagpapaiyak sakin. Dumagdag na sa listahan si Chan. Ewan ko ba at masyadong seryoso usapan namin kanina. We talked about stories in the bible kanina and how humans lived to a great old age just like Methuselah who lived for 969 years. We talked about religions. Sabi ko kasi parents ko christian na just like him tapos ako catholic parin pero minsan umaattend ako sa mass nila kasi gusto ko yung sinasabi ng pastor. He told me na si maica iba rin religion. Mormon. Meron pala talagang ganun. Pwede naman pala magkaiba ang religion ng magasawa..stig. 
New topic. Anyway, lagi nya ko binibiro na hindi kami bagay. Malaki sya, maliit ako, mabait sya, pasaway ako. Naoover power ko daw siya lagi. Sabi nya madalas daw pag bf gf nagiging magkamukha daw pag tumatagal. Pero malabo daw yun samin. kasi nga hindi daw ako bagay sa kanya. Sabi ko marami na nagsabi nyan.
Hanggang sa napunta na usapan na mahina ako. Emotional talaga ko pagdating dun eh. Bihira lang naman ako magkwento at piling tao lang nakakaalam nun. Basta sabi lang niya na ngayon lang daw nya ko naintindihan. Pero i should still try to follow my heart daw kasi yun lang din daw ang makakalaban ko pag tumagal. Naiyak ako. Walang tissue. May call na pumasok. Umiyak na lang ako.

No comments:

Post a Comment